ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Alisto ako sa sunog, a Fire Prevention Month Special
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Alisto
Alisto Ako Sa Sunog
Fire Prevention Month Special
March 6, 2014
11:30 PM, GMA-7
Noong nakaraang taon, umabot sa mahigit tatlong libong insidente ng sunog ang naitala sa Metro Manila ayon sa Bureau of Fire Protection. Sa Bocaue, Bulacan patay ang isang pamilya matapos matupok ang dalawang palapag nilang bahay. Madaling araw nang sumiklab ang sunog. Ayon sa imbestigasyon, electrical lose connection ang naging sanhi ng apoy dahil sa patay-sinding ilaw sa bahay. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog. Dahil sa lakas ng apoy pati poste ng kuryente sa lugar ay nadamay at pumutok.

Samantala, isang department store naman ang nasunog sa Naga City, Camarines Sur. Tumagal ng apat na oras bago naapula ang sunog. Hindi bababa sa 10 milyong piso ang halaga ng natupok na ari-arian.
Madalas ding maging sanhi ng sunog ang pagsabog ng tangke LPG.
Sa Paco, Manila kitang-kita sa CCTV camera ang sunog na sumiklab dulot ng pagsabog ng tangke ng LPG mula sa isa sa mga bahay sa Brgy. 662 Zone 71. Isa sa mga malubhang nasugatan ay si Rey Garcia na nagtamo ng fourth degree burn mula sa pagsabog. Sugatan din ang ilan pa sa miyembro ng kaniyang pamilya. Kuwento ni Rey may leak o tagas ang nabili niyang tangke ng LPG.
Ngayong Fire Prevention Month, alamin ang mga iwas-sunog tips mula mismo sa mga eksperto.
Maging "Alisto!" Kasama si Igan, Arnold Clavio. Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!

More Videos
Most Popular