ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pag-iwas sa hit-and-run, aalamin sa 'Alisto'
Ang action star na si Jeric Raval… nagbabalik para sa isang panibagong hamon. Pero ang mga makapigil hiningang aksyon at stunts na noo’y napapanood lang sa pelikula, ngayo’y magagamit na sa tunay na mga pangyayaring may kinalaman sa inyong kaligtasan.

Ika-20 ng Setyembre nang mabundol ng isang SUV ang labing apat na taong gulang na bata kasama ang kanyang kaibigan sa Sta.Cruz, Manila. Sa kasamaang palad, hindi nakaligtas ang bata sa aksidente. Ang mas masaklap, tinakbuhan pa sila ng salarin.

Sa isang COUNTER DANGER SIMULATION, ipakikita ni Jeric Raval kung paano posibleng makaiwas sakaling nasa bingit ka na ng tagpo kung saan may masasagasaan ka na sa iyong harapan. Paano makakagawa ng tamang desisyon sa loob lamang ng tatlong segundo?

Kung ikaw naman ang pedestrian at nasa bingit ng sakuna…possible ka pa ring makaiwas sa disgrasya! Malalaman niyo kung paano sa Alisto!
Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Lunes, October 13, 2014, 4:25 ng hapon sa GMA!
More Videos
Most Popular