ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Modus ng 'manyak' na taxi driver, buking sa 'Alisto'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ALISTO!
Lunes, NOVEMBER 17, 2014
4:25 PM sa GMA-7
“Babala: Huwag kayong sasakay sa taxi na 'to!”
Ito ang panawagan ng isang dalaga sa mismong facebook wall niya. Ikalawang buhay na raw na maituturing ang tinatamasa niya ngayon dahil sa bangungot na dinanas niya sa diumano’y manyak na taxi driver!


Ala-una ng madaling araw nang sumakay sa taxi si “Janine” hindi niya tunay na pangalan. Nang makababa ang kanyang kasama, may ini-spray daw ang driver na agad niyang ikinahilo. Nang magdesisyon siyang bumaba, laking takot ni Janine nang sumigaw ito ng “Hala sige, Takbo!”, biglang nagmane-obra at inabangan siya sa kanto.
Mabuti na lang, may napadaang motorsiklo at agad naki-angkas si Janine. Paniwala niya, balak siyang gawan ng kahalayan ng naturang driver.
Paano mo posibleng ipagtanggol ang iyong sarili habang nasa isang umaandar na sasakyan?
MODUS: INSULATOR SHEET
Sa ilang malls sa Cebu may tila magic props na bitbit ang mga kawatan. Matapos isuksok sa kanilang bag ang paninda… lalagyan nila ito ng insulator sheet para malampasan ang anti-theft alarm na parang wala lang!
Ayaw ng mga Cebuano ng ganyan!
Kasama ng mga eksperto, alamin ang mga paraan para hindi ka nila maisahan!
Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Ngayong Lunes, November 17, 2014, 4:25 ng hapon sa GMA!
More Videos
Most Popular