ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Alisto' sa Pista ng Itim na Nazareno
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Alisto!
Lunes, Enero 12
4:25 PM sa GMA-7
ALISTO SA PISTA NG ITIM NA NAZARENO
Tulad ng inaasahan, hindi mahulugang karayom ang daragsang mga deboto para sa pagdiriwang ng taunang pista ng itim na Nazareno.
Sa ganitong mga okasyon, hindi maiwasan ang ilang peligro dahil na rin sa sobrang siksikan at kapal ng mga tao. Kaya naman ang mga rescue team, alistong nakaantabay para sa anumang emergency na maaaring mangyari.
Sasama ang Alisto sa Alpha Fire Brigade and Brotherhood Association sa kanilang pag-iikot habang nagaganap ang pista.
Anu-ano ang mga dapat tandaan para maging ligtas ang pagdalo sa ganitong mga pagtitipon?
PAGHAHANDA PARA SA PAGDATING NI POPE FRANCIS

Sa ika-15 ng Enero, nakatakdang dumating ang tinaguriang People’s Pope na si Pope Francis. Inaasahan ding daragsa ang makapal na bilang ng mga tao sa mga lugar na kanyang bibisitahin. Ilang araw bago ang nito, dadayuhin ng Alisto ang mga nasabing lugar para magbigay ng impormasyon sa publiko sa mga safety measures na dapat alam ng lahat para masigurong magiging ligtas ang pagdiriwang.
Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Ngayong Lunes, JANUARY 12, 2015, 4:25 ng hapon sa GMA!
More Videos
Most Popular