ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paano nga ba magiging 'Alisto' sa banta ng date-rape?


ALISTO
Lunes, Pebrero 2
4:25 PM sa GMA-7

 
Date Rape
 
‘City of Smiles’ kung tawagin ang Bacolod. Pero sa ilang pagkakataon, tila may umaabuso sa pagiging magiliw at palakaibigan ng mga taga-Bacolod.

 
Nagsimula sa pakikipag-chat, nagka-palagayan ng loob… hanggang sa mauwi sa pakikipag-eyeball.  Ang siste, hindi sa isang romantikong lugar dinala ang biktima… kundi sa bahay ng suspek!
 
Doon daw naganap ang diumano’y panghahalay sa dalaga. Sa isang hiwalay na insidente, isa pang dalaga ang diumano’y hinalay naman sa isang palikuran sa isang gusali.
 
Paano nga ba maiiwasan ang ganitong uri ng kapahamakan?  
 
 
Mag-ingat sa modus sa mga parlor
 
Babala sa mga mahilig bumisita sa parlor para magpa-ganda at magpagupit. Isa raw ito sa mga target ng kawatan dahil karamihan sa mga narito, nasa “relaxation mode” ika nga at madalas malingat.

 
Ganito ang nangyari sa isang babaeng nagpapa-manicure sa isang salon. Napansin daw niya ang isang lalaki at isang babaeng magkasunod na pumasok sa parlor. Maya-maya pa, tinabihan siya ng lalaki at nagbasa ng magazine, dahilan para matakpan ang eksena ng aktuwal ng pandurukot ng kasama niyang babae. Huli na ang lahat nang malaman niyang nawawalan na pala siya ng wallet!
 
Ang isang salon naman, huling-huli sa CCTV kung paano nilooban ng tatlong armadong lalaking agad nagdeklara ng holdap! Matapos makulimbat ang mga pakay, ikinulong pa sa banyo ang mga tao sa parlor. Tinatayang nasa tatlumpung libong piso ang nakuha ng mga suspek!
 
Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Lunes, February 2, 4:25 ng hapon sa GMA!