ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Modus ng nagpapanggap na 'Good Samaritan,' alamin sa 'Alisto'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ALISTO!
Lunes, Pebrero 23
4:35 PM sa GMA-7
MODUS: KAWATANG “GOOD SAMARITAN”
BABALA, lalo na sa mga babaeng motorista!
Target nila ang mga babaeng may motorsiklo. Mag-aalok ng tulong sa umpisa, pero balatkayo lang pala para makapang-isa!

Mayo noong nakaraang taon nang dumulog ang isang babae sa Marilao Bulacan Provincial Police Station matapos manakaw ang kanyang single na motorsiklo. Ayon sa salaysay ng babae, biglang tumirik ang kanyang motor matapos niya manggaling sa isang convenient store. Isang lalaki ang nagpresinta na tulungan ang babae. Nagpaalam daw ang lalaki na sumakay sa kanyang motor para subukang paandarin ito. Napansin niya na pasimpleng kinalikot ng lalaki ang isang bahagi ng makina ng motor. Inutusan pa raw siya ng lalaki na itulak niya ang motor upang matulungan itong umandar.

Pero nang mapaandar na ang motor, humarurot ang lalaki palayo. Buong akala ng babae, inikot lamang ito ng lalaki para isang test drive. Subalit hindi na ito bumalik. Ilang minuto pa ang lumipas bago napagtanto ng babae na nabiktima na pala siya.
Alamin ang mga paraan para hindi maging biktima!
ALISTO KAY YAYA
Sa mga magulang na madalas iwan ang mga sanggol sa kanilang mga yaya—huwag maging kampante! Baka ang hindi niyo alam… kapag nalingat na kayo—si Yaya, nagiging pasimuno na ng pang-aabuso!
Sa ilang videos na ini-upload sa Youtube, makikita ang marahas na pagtrato ng ilang yaya sa kanilang mga alaga. Tulad na lang ng isang yaya na sinisipa at sinasabunutan ang sanggol habang pinaliliguan ito. Sa isa pang video, makikitang ibinabalibag ng isang yaya ang sanggol sa mismong sala ng kaniyang amo.
Paano nga ba masisigurong mapagkakatiwalaan ang yaya na kukuhanin ninyo—para sigurado ring ligtas ang inyong mga anak habang kayo ay nasa trabaho!
Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio, Lunes, February 23, 4:35 ng hapon sa GMA!
More Videos
Most Popular