Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Near-death experience ni Rocco Nacino, tampok sa 'Alisto'


Want to see the E22 local results for ? Click location.

ROCCO NACINO: SA GITNA NG PELIGRO
ALISTO!
Lunes, Marso 16
4:35 PM sa GMA-7


 
Taong 2013 nang gumanap ang Kapuso actor na si Rocco Nacino bilang ang ikalawang Pilipinong Santo na si San Pedro Calungsod.  Itinapon siya sa karagatan ng Guam noong 1672 noong siya’y labimpitong taong gulang pa lamang.
 
Isa raw ito sa mga pinakamalaking hamon na hinarap ni Rocco bilang aktor, dahil muntik na umano siyang malunod habang ginagawa ang isang eksena para sa pelikulang “Pedro Calungsod: Batang Martir” na naging kalahok sa Metro Manila Film Festival noong taong iyon.
 
Bukod daw sa matinding sikat ng araw sa dagat kung saan ginawa ang pelikula… kinailangan din daw nilang sumuong sa sampung talampakang alon. Muntik na rin daw malunod ang aktor dahil sa bigat ng batong itinali sa kanya nang ilubog siya sa dagat. Hindi raw niya agad naalis ang pagkakatali sa bato at muntik na siyang mawalan ng malay.
 
Ngayong Lunes sa Alisto, ikukuwento ni Rocco ang buong pangyayari.
 
Ano nga ba ang maaari mong gawin sakaling maharap sa parehong peligro?
 
Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio.  Lunes, March 16, 2015, 4:35 ng hapon sa GMA!
Find the latest news

Choose your candidates and print out your selection.

Find out your candidates' profile

Voter Demographics

Find out individual candidate platforms