ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Paano maging 'Alisto' sa MRT, aalamin ni Julian Trono
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Lunes, July 6, 2015… 4:50 ng hapon
SALISI SA MRT
Siksikan... balyahan at tulakan. Ganito ang karaniwang eksena sa MRT dahil sa daan daan libong pasaherong sumasakay dito kada araw. Ito umano ang sinasamantala ng ilang kawatan. Oras na maipit na sa siksikan ang mga tao, saka sila sasalakay para manalisi at makapanlamang!
Ang Pinoy K-pop sensation na si Julian Trono... mag-iiba ng anyo at porma para maki-angkas sa MRT. Ano kaya ang kanyang ma-oobserbahan sa mga kapwa pasahero at anu-ano ang babaunin niyang mga aral para mas maging Alisto at hindi mabiktima ng mga kawatan?





PASLIT SA PAGPUPUSLIT
Sa probinsya ng Tarlac isang nakababahalang modus ang nakuhanan ng CCTV. Isang walang muwang na paslit ang diumano’y ginamit ng isang lalaki para manalisi sa isang kainan.
Ano nga ba ang tumatakbo sa isip ng mga masasamang loob na idinadamay ang mga bata sa ilegal na gawain at ano ang mga hakbang na gagawin ng mga otoridad para matigil ang ganitong klase ng modus?
Hindi ka biktima… Maging Alisto!
Kasama si Igan, Arnold Clavio. Lunes, July 6, 2015, 4:50 ng hapon sa GMA!
More Videos
Most Popular