ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kapuso teen actor Ruru Madrid, sasabak sa 'Alisto' celebrity challenge


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.







Ang Kapuso teen actor na si Ruru Madrid sasabak sa jeepney bilang pasahero. Paano niya haharapin ang mga kawatang makiki-angkas sa kaniyang biyahe?
 
Ang isang kawatan, walang anu-ano’y hinablot ang suot niyang sumbrero mula sa bintana ng jeep. Ang mismong katabi naman ni Ruru, tinangkang laslasin ang kanyang bag. Pero ang pinaka-matindi sa lahat, ilang sakay din ng jeep ang biglang nagdeklara ng holdap!
 
Magamit niya kaya ang self defense techniques na itinuro ng eksperto?
 
HIT AND RUN!
 
Sa Maynila, isang bata ang nagulungan ng isang SUV. Pero imbes na huminto at tulungan ang batang naaksidente... umarangkada palayo ang naka-sagasang driver.
 
Sa Batangas naman, isang tricycle ang sinalpok ng isang truck na ikinasawi ng dalawang pasahero.
 
Managot kaya ang maysala sa dalawang magkahiwalay na aksidente?
 
Maging ALISTO!  Kasama si Igan, Arnold Clavio. Lunes, September 28, 2015, 5:20 ng hapon sa GMA!