ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang bagong superhero sa kalye na si Agent A, paparating na sa 'Alisto!'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.





Isa ka ba sa mga yamot na yamot na sa usad pagong na daloy ng trapiko sa Edsa? May nakikitang mga pasaway na pasahero at motorista na hindi sumusunod sa batas trapiko? Narito na ang mata at boses mo!
Sa kauna-unahang pagkakataon, matutunghayan sa Alisto ang pakikipagsapalaran ni “Agent A”—ang bago niyong magiting na tagapagbantay sa kalsada. Sa kanyang unang adventure, bibiyahe siya ng rush hour mula North Avenue hanggang Taft sakay ng pampasaherong bus. Anu-ano nga ba ang dahilan ng traffic at anu-ano kayang paglabag sa batas ang kanyang masasaksihan?
Sumbungera man siya sa inyong paningin... siguradong mamahalin niyo siya sa ngalan ng kaayusan, disiplina at kaligtasan!


ALISTO CELEBRITY CHALLENGE: BIANCA UMALI




Kilig man ang hatid ng tambalan nila ni Miguel Tanfelix, si Bianca Umali, tila mapapasabak sa mas mabigat na hamon. Ano ang gagawin niya kung habang tahimik na nagpapalipas ng oras sa isang milk tea shop, isang grupo ng kawatan ang biglang mangho-holdap?
Matandaan niya kaya ang mukha ng kawatan at maituro ang suspek kapag inihilera sa kanya sa presinto ang lahat ng pwedeng paghinalaan sa krimen? Anu-ano nga ba ang dapat tandaan para masigurong walang kawala sa inyong mga mata ang mga masasamang loob?
Maging ALISTO! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Lunes, October 19, 2015, 5:20 ng hapon sa GMA!
More Videos
Most Popular