Kapuso comedian Betong, sasabak sa 'Alisto' Celebrity Challenge

ALISTO SA 2016: BETONG


Sa unang pagtatanghal ng Alisto ngayong 2016, buena manong sasalang sa Alisto Challenge ang komedyanteng si Betong. Mula sa pagiging mataray niyang kontrabida sa Bubble Gang bilang si Antonietta, magpapanggap muna siyang matandang negosyante.
Ang alam ni Betong, kailangan siyang makipagtagpo sa mga kawani ng barangay para sa isang briefing. Lingid sa kanyang kaalaman, may ilang kasabwat ang Alisto na hahamon sa kanya. Isang mag-lola ang lalapit kay Betong na kunwari’y namamalimos. Pero ang tunay nilang pakay—mang-holdap!
Magpadala kaya si Betong sa awa sa mag-lola at tuluyang mabiktima?
AGENT A: TRAFFIC PREDICTIONS 2016


Kung sa huling episode ng Alisto para sa 2015 ay inisa-isa ni Agent A ang mga naging pinakamalalang traffic violations... oras na para mag-move on at paghandaan ang mga posibleng maranasan ng mga motorista at pasahero sa pagpasok ng bagong taon.
Anu-ano nga kaya ang fearless traffic predictions ngayong 2016?
Maging ALISTO! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Lunes, January 4, 2016 5:20 ng hapon sa GMA!