ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'ALISTO' LEVEL-UP CELEBRITY CHALLENGE

Klea Pineda at Ayra Mariano, haharap sa mga hamon ng 'Alisto'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

Lunes, February 1, 2016
Sa bago nitong oras, Alas-singko ng hapon bago ang Wowowin!

ALISTO LEVEL UP CELEBRITY CHALLENGE: KLEA PINEDA AT AYRA MARIANO

 


Ang starstruck ultimate female survivor na si Klea Pineda at ang first princess niyang si Ayra Mariano, may bagong hamong haharapin. Sila ang unang sasabak sa Alisto level up celebrity challenge kung saan mas marami nang pagdadaanang pagsubok na susukat sa pagiging Alisto nila sa kalsada.

Ang hamon, kailangang maihatid nila ang limang libo piso sa tamang tao na aming ipahahanap. Parehong sasakay ng jeep kung saan may mga kawatang susubukan silang salisihan. Sa kalsada, may snatcher din at mga bully na makakaharap ang dalawa.

Sino kaya ang mas Alisto sa kanila?

AGENT A: SCHOOL ZONES

 


Ang school zones o labas ng mga paaralan, gaano nga ba kaligtas sa mga mag-aaral?

May tamang tawiran ba at sapat na mga signages? Sinusunod nga ba ng mga motorista ang mga batas trapiko?

Ito ang bagong assignment ni Agent A!

Maging ALISTO!  Kasama si Igan, Arnold Clavio.  Lunes, February 1, 2016, 5:00 ng hapon sa GMA!

 

Tags: pr