Videoke, liquor ban at curfew, tatalakayin sa 'Alisto'
Alisto
Date of Airing: May 24, 2016
Alisto sa Mataong Lugar: Marlann Flores

Ang bagong Kapuso actress na si Marlann Flores, hahataw sa sa isang Zumba session sa mataong parke sa Quezon City. Ang hindi niya alam, habang ganado siya sa pagsasayaw, bibong-bibo rin ang mga kawatan na susubok sa pagiging Alisto niya. Malampasan kaya ni Marlann ang Alisto Celebrity Challenge?
Agent A: Videoke, Liquor Ban, Curfew

Kamakailan lang inihayag ni presumptive President-elect Rodrigo Duterte na ipatutupad sa buong bansa ang ilang ordinansa sa Davao gaya ng curfew sa mga menor de edad at mga itinakdang oras para sa videoke sessions at liquor ban.
Sa ilang lungsod sa Metro Manila, may mga ganito na ring ordinansa gaya sa Caloocan kung saan sa bisa ng Ordinance 0937 Series of 2005… ipinagbabawal sa lungsod ang pag-inom ng alak at maiingay na videoke sa mga pampublikong lugar kapag lampas na sa alas dose ng hating gabi. Ang tanong, sinusunod nga ba ito ng mga residente? ‘Yan ang inalam ni Agent A na rumonda mismo kasama ang mga kawani ng Barangay Bagong Silang.
Huwag maging biktima, maging Alisto! Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA.