ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kotseng nagmistulang 'runaway car' sa Lucban, na-hulicam sa 'Alisto' 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

ALISTO
DATE OF AIRING:  February  21, 2017

Nagmistulang “runaway car” ang isang kotse sa Lucban, Quezon nito lang ika-apat ng Pebrero. Matapos maghatid ng isang bride sa simbahan, biglang  humarurot ang kotse at nakasagasa ng labing walong tao. Isa sa biktima ang labing anim na taong gulang na si Jessica Flores, kritikal ang kalagayan ngayon ng dalaga dahil nabiyak ang kanyang  bungo at namaga ang kanyang utak.  Lumalabas sa imbestigasyon na hindi sanay sa automatic na kotse ang driver. Ayon sa kanya, hindi rin daw gumana ang preno ng sasakyan. Paano sana naiwasan ang ganitong trahedya?
Samantala, ang Kapuso actor na si Addy Raj ay nakaranas naman ng aksidente sa India. Nagmamaneho raw siya noon sa isang madilim na kalsada nang biglang mabangga siya sa isang food cart. Ayon kay Addy,  tila sinadya raw ng ilang tao na iharang ang food cart para kikilan siya ng pera. Ang aksidente, modus pala!
Huwag maging biktima, maging Alisto!  Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA.