ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng bullying sa mga pampublikong paaralan, tampok sa 'Alisto'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Noong nakaraang buwan, isang Grade 7 student ang namatay matapos di umano’y i-bully at bugbugin ng mga kaklase. Tatalakayin din ng Alisto ang ilang cellphone videos na nagpapakita umano ng mga kaso ng bullying sa ilang pampublikong eskwelahan. Para sa mga magulang at guardian, anu-ano nga ba ang mga senyales na dapat niyong bantayan para malaman kung ang inyong anak ay nakararanas ng bullying?

 


 


Samantala, madalas na sanhi ng vehicular accident ang human error. Pero paano kung maranasan mo naman ang pwersa ng kalikasan habang nagmamaneho? Kabilang na riyan ang lindol at grass fire. Sa kuha ng isang dash cam mula sa isang driver sa Batangas, makikita ang pagyanig habang nasa loob ng sasakyan ang ilang motorista. Sa expressway naman, sumiklab ang grass fire na nagdulot ng halos zero visibility sa ilang motorista. Ano ang dapat gawin kapag hinamon ka ng kalikasan habang nagmamaneho?

 


Kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, magbibigay ang Kapuso actress na si Arianne Bautista ng ilang road safety tips sakaling maharap sa mga ganitong peligro.


Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

Tags: pr