ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga aksidenteng kinasangkutan ng mga truck, tinutukan ng 'Alisto!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Ayon sa datos ng Philippine National Police Highway Patrol Group, mula Enero hanggang Abril ngayong taon…umabot na sa mahigit dalawang libong aksidente ang kinasangkutan ng mga truck sa buong bansa.


Sa Caloocan City, kitang-kita sa CCTV camera kung paano pumailalim ang tatlong bata matapos masagasaan ng truck. Isa sa tatlo ang nagulungan na agad niyang ikinamatay. Nakaligtas ang dalawa na nagtamo ng mga bali sa katawan.


Ganito rin ang sinapit ng isang rider ng motorsiklo sa Imus, Cavite. Sumingit ang rider sa linya kung saan bumibyahe ang isang truck. Dahil blind spot ito ng driver, hindi niya napansin ang rider kaya sumabit siya sa truck at nagulungan.


Para sa mga motorista, paano maiiwasan ang disgrasya kapag kasabay ang mga dambuhalang truck sa kalsada? Ito ang Alisto tips na ibabahagi ng Kapuso celebrities na sina Mike Tan, Julie Ann San Jose at Valeen Montenegro.


Tinutukan din ng Alisto ang iba’t ibang krimen sa lansangan. Kabilang na rito ang mga insidente ng pamamaril, hold up at snatching.


Sa isang CCTV footage na nai-upload sa social media, nakuhanan ang pamamaril sa isang lalaki. Ang mga suspek, tumakas sakay ng inagaw na motorsiklo sa lugar.

Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

 


 


 


Tags: pr