ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga kaso ng road rage, tinutukan ng 'Alisto'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


 


Mula 2005 hanggang 2015, halos animnapung libong pedestrian ang naaksidente sa Metro Manila ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Isang babae ang nasagasaan ng dalawang magkasunod na motorsiklo habang tumatawid sa kalsada. Napahiga ang biktima matapos mabangga at ang masaklap pa, nagulungan siya ng kasunod na motorsiklo.


Sa Malolos, Bulacan, isang tatlong taong gulang na bata ang nasagasaan din ng motorsiklo. Sa CCTV footage, makikita ang paslit na tumatakbong lumabas ng gate hanggang sa  tumawid at mahagip ng motorsiklo. Ayon sa pamilya ng bata, nawalan siya ng malay at duguan ang mukha.


Ayon sa mga road expert, ilan sa mga ganitong aksidente ay nangyayari dahil sa paglabag ng pedestrian at motorista sa batas trapiko. Ang iba kasing motorista lumalabag sa speed limit kaya hindi nakakapagpreno kapag may pedestrian na dadaan. Ang ilan namang pasaway, ginagawang paradahan ang mga tabi ng kalsada kaya nagiging blind spot ng mga motorista. Paano maiiwasan ang mga ganitong disgrasya? Iyan ang ibabahagi ng Kapuso celebrities na sina Barbie Forteza, Andre Paras at Jerald Napoles.

 


Samantala, ilang insidente ng road rage ang caught on camera. Isang taxi driver at rider ng motorsiklo ang nagpang-abot sa Makati City. Sa video, makikita na hawak sa ulo ng taxi driver ang rider para suntukin ito. Gumanti ang rider at sinuntok ang taxi driver. Nahilo at napasandal sa isang SUV ang taxi driver. Ang iringan, nauwi sa boksing sa kalsada.


Sakaling masangkot sa road rage, alamin ang mga kasong maaaring isampa laban sa nakaalitan. Ano ang dahilan at paano humahantong sa mga bayolenteng komprontasyon ang mga ganitong away-trapiko?


Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

Tags: pr