Mga aksidenteng sanhi ng maling pagliko, tinutukan ng 'Alisto'

Isang pusa ang walang awang pinalo ng kahoy ng isang binatilyo sa Pasay City. Ang buong pangyayari nakuhanan ng CCTV camera. Samantala sa Bulacan, siyam na malalakas na hampas ng kahoy sa ulo ang tinamo ng isang kabayo.
Bukod sa pananakit, may ilang hayop din na naging biktima naman ng aksidente. Managot kaya ang driver na nakasagasa?
Anumang uri ng pananakit sa mga hayop ay may pananagutan sa batas. Maaaring makulong at magmulta ang sinumang lalabag sa Animal Welfare Act.
Samantala, tatalakayin din ng Alisto ang mga aksidente na sanhi ng maling pagliko. Ngayong taon, halos tatlong libong aksidente ng mga sasakyan ay dahil sa maling pagliko base sa datos ng Philippine National Police Highway Patrol Group.
Tumilapon ang rider ng motorsiklo at humampas sa windshield ng kotse matapos siyang bumangga sa isang palikong kotse sa Dasmariñas, Cavite. Sa tindi ng pagbangga, nahati pa sa dalawa ang motorsiklo.
Anu-ano ang mga dapat gawin para ligtas na makaliko lalo na sa mga intersection at kurbadang daan? Iyan ang ibabahagi ng Kapuso actress at StarStruck 6 Ultimate Female Survivor na si Klea Pineda.
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

