ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ilang away kalye, tinutukan ng 'Alisto'


 


Sa Barangay Salawag, Dasmariñas Cavite isang lalaki ang tumatakbo patawid ng kalsada nang mabundol siya ng isang closed van. Ang biktima ay mayroong sakit sa pag-iisip. Sa Quezon City naman, isang babae ang gumulong sa kalsada matapos mabundol ng tricycle.


Anu-ano ang dahilan nito at paano sana ito naiwasan?


Samantala, ilang away sa kalye naman ang nakuhanan ng CCTV camera. Dalawang estudyante ang nagsabunutan sa kalye dahil umano sa selos. Pambabastos naman diumano sa misis ng isang customer ng isang kainan ang naging sanhi ng rambol sa Cavite. 


Paano maiiwasan ang peligrong dulot ng rambol?


Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

 


Tags: pr