ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Alisto' CCTV Heroes, ating bigyang pugay!


 


Matapang na tumalon mula sa bubong para sagipin mula sa naglalagablab na peligro ang isang rider… taxi driver na nagsauli ng cellphone at isang nagmalasakit na kaibigan kahit siya mismo ay nasaktan din sa aksidente.

CCTV heroes at kanilang mga natulungan… pagtatagpuin sa isang pagkakataong puno ng pasasalamat!

Nakuhanan ng CCTV camera ang pagliyab ng isang motorsiklo matapos itong mabagsakan ng poste ng telepono sa Caloocan City. Nalapnos ang balat ni Lemuel Burgos, ang rider ng motorsiklo. Isa sa mga sumaklolo sa kaniya ay isang lalaki na tumalon mula sa bubong para hilahin siya mula sa pagkakaipit sa poste at kaniyang motorsiklo.

Samantala, pagmamalasakit naman ng isang tunay na kaibigan ang nangibabaw nang tulungan ni Amelito Loquino ang kaibigang si Oscar Babac matapos sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo. Isang motorsiklo ang sumalpok sa kanilang likuran. Nagpagulong-gulong sa kalsada ang dalawa. Si Amelito ang nagmamaneho samantalang angkas si Oscar. Walang tinamong pinsala si Amelito samantalang si Oscar ay nagkaroon ng bali sa kaniyang braso at pinsala sa likod.

Kung may mga pasaway na taxi driver, mayroon din namang mga tapat sa kanilang serbisyo. Si Policarpio Moneda Jr. nagsauli ng cellphone na naiwan ng kaniyang pasahero.

Sa Christmas special ng Alisto, alamin ang kwento sa likod ng kanilang kabayanihan at nawa’y magsilbing inspirasyon sa lahat ngayong Pasko.

Abangan ang pamaskong handog ng Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

 

 


Tags: pr