Modus ng mga salisi, ibubuko ng ‘Alisto’
_2018_01_16_09_44_25.jpg)
Ang maling pagliko ang isa sa mga nangungunang dahilan ng disgrasya sa kalsada ayon sa datos ng Philippine National Police Highway Patrol Group. Sa pinakahuling datos ng ahensya noong nakaraang taon, halos anim na libong road crash sa bansa ay dahil dito.
Sa intersection sa Cabanatuan City, isang palikong SUV ang sumalpok sa tricycle. Samantala, sumemplang naman ang isang motorsiklo matapos lumihis ng linya ang sinusundan nitong kotse sa Makati City.
Alamin ang mga tamang paraan ng pagliko sa intersection at kurbadang daan.
Sa pagpasok ng bagong taon, ilang modus ang hindi pa rin matigil-tigil. Isa na riyan ang pananalisi. Mayroong mag-isa kung dumiskarte. Samantala, ang iba naman ay grupo kung umatake.
Sa magkahiwalay na establisyimento nakuhanan ng CCTV camera ang pambibiktima ng mga miyembro ng Salisi Gang. Ang kanilang karaniwang target ay mga boutique shop o tindahan ng mga damit. Ang istilo ng mga miyembro ay iipunin ang mga damit at itatago sa suot nilang palda habang ang mga kasabwat ay nagsisilbing lookout. Anu-ano ang dapat gawin para hindi mabiktima ng kanilang modus?
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!