Tips para maiwasang masunog ang sasakyan, tampok sa 'Alisto'
_2018_03_23_18_53_20.jpg)
Sa mga bibiyahe ngayong Holy Week, maging Alisto sa kalsada!
Motorista…hinampas ang side mirror ng jeep ng nakaalitang driver. Samantala, sinuntok naman ng isang siklista ang bintana ng kotse ng driver na muntik na raw siyang mabangga. Anu-ano ang ligtas na paraan para hindi umabot sa karahasan ang mga alitan sa daan?
Hindi lang mga insidente ng road rage ang nakuhanan ng video sa kalsada, ilang nagliyab na sasakyan, caught on cam din!
Sa Kidapawan City, North Cotabato, isang motorsiklo ang nagliyab. Ang rider nito, nasunog ang damit at nalapnos ang balat.
Nabalot naman ng takot ang mga residente ng Brgy. Calumpang, Marikina nang isang kotse ang nasunog sa gitna ng kalsada.
Anu-ano ang ugat ng mga naturang pagliyab? Alamin kung paano ito maiiwasan at ano ang dapat gawin kapag nasa harap ka na ng naglalagabgab na peligro?
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!