Ilang aksidente dahil sa matuling pagmamaneho, tampok sa 'Alisto'

Isang lalaki sa Tondo, Maynila binaril sa ulo nang malapitan. Samantala, mag-asawang negosyante na sakay ng SUV tinambangan ng mga armadong lalaki. Anu-ano ang dahilan sa likod ng pamamaril?
Isa naman sa mga pangunahing dahilan ng disgrasyang kinasasangkutan ng mga motorista ay ang matuling pagmamaneho. Sa Commonwealth Avenue, naipit ang driver at mga pasahero ng tricycle matapos itong araruhin ng truck. Isang bus naman ang sumalpok sa isang SUV sa Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEx. Nabasag ang rear windshield ng SUV. Alamin ang mga dapat gawin sakaling maipit sa ganitong peligro.
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!