Mga disgrasyang senior citizen ang nasaktan, tinutukan sa 'Alisto'
ALISTO!
AIRING DATE: JULY 17, 2018

Mga disgrasyang senior citizens ang nasaktan, huli sa CCTV camera!
Isang setenta y otso anyos na ginang sa Cavite ang nabundol ng kotse. Ang masaklap, tinakasan siya ng nakabanggang driver. Samantala, sa Laguna nasa kalagitnaan na rin ng pagtawid sa kalsada ang isang animnapu’t siyam na taong gulang na pedestrian nang mahagip siya ng isang SUV. Paano maiiwasan ang ganitong peligro?
Ayon sa Philippine National Police, maliban sa laglag barya, salisi, at pandurukot, may ilang bagong pakulo ang mga kawatan sa pambibiktima sa mga pasahero ng jeep. Ang istilo, hihingi ng sukli sa driver kahit hindi naman daw nagbigay ng bayad. Alamin kung paano hindi mabiktima ng modus operandi na ito.
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
ENGLISH VERSION
The episode discusses road traffic injuries sustained by elderly pedestrians. They become vulnerable to injuries when crossing the streets as their vision and reflexes start to deteriorate. Road safety experts share tips on how to keep seniors safe on the road. Another segment warns jeepney passengers from falling prey to modus operandi of criminals.