ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga iba't ibang kaso ng pedestrian accident, tututukan ng 'Alisto!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

ALISTO!
AIRING DATE: AUGUST 21, 2018

Isang pedestrian ang humandusay sa kalsada matapos mabundol ng motorsiklo sa Quezon City. Sa Aklan, inararo naman ng motorsiklo ang isang lalaki. Sa datos ng Philippine National Police Highway Patrol Group, mula 2010 hanggang 2015, mahigit limang libong pedestrian ang naaksidente sa buong bansa.

Ngayong taon, mula Enero hanggang Abril, halos limang daang pedestrian na ang nadisgrasya. Bakit patuloy na tumataas ang bilang na ito?

Ilang paslit naman ang nakuhanan ng video na gumagawa ng krimen tulad ng pagnanakaw. Pinagnakawan ng tatlong menor de edad ang isang kotse na naipit sa trapiko.

Sino ang may pananagutan sa kanila at paano sila sasagipin mula sa ganitong sitwasyon?

Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

ENGLISH VERSION 

The number of pedestrian accidents across the country continues to rise, data from the Philippine National Police Highway Patrol Group shows. Road safety experts and authorities share ways on how to minimize the risks of getting hit while crossing the streets. Meanwhile, another segment focuses on youth crimes and discusses a proactive approach to address juvenile crime.