Mga nangungunang krimen at aksidente sa 2018, babalikan sa 'Alisto'
ALISTO!
AIRING DATE: DECEMBER 25, 2018
YEAR-END EPISODE
Sa tala ng Philippine National Police Highway Patrol Group, mahigit walong libong disgrasya sa kalsada ang naitala sa buong bansa mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon. Alamin ang mga nangunang dahilan ng mga disgrasyang ito at paano ito maiiwasan? Samantala, halos apat na raang libong krimen naman ang naitala ng Philippine National Police sa parehong mga buwan ngayong taon. Alamin ang top three crimes at paano hindi maging biktima. Alamin ang mga aral na iniwan ng mga disgrasya at krimen ngayong 2018.
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!






ENGLISH VERSION
For the year-end episode, the show lists down the top causes of road crash for 2018 according to a report by Philippine National Police Highway Patrol Group. Experts share the leading factors to prevent such crashes. Meanwhile, another segment looks into the top crimes recorded by the Philippine National Police. Authorities warn the public on how to avoid being an easy target.