Vehicular fires at road hazard accidents, tututukan sa 'Alisto'
ALISTO!
AIRING DATE: MARCH 19, 2019
Ilang sasakyan ang nilamon ng apoy. Alamin ang warning signs na posibleng magliyab ang inyong sasakyan habang nasa byahe. Ngayong Fire Prevention Month, anu-ano ang dapat gawin para maiwasan ang vehicular fire? Kasama ang mga bumbero mula sa National Fire Training Institute, ipakikita nila kung paano ang pag-apula ng nasusunog na sasakyan at ang maaksyong pagresponde sa mga ganitong insidente.
Samantala, mga road debris tulad ng nagkalat na gulong at lubak sa kalsada ang naging dahilan ng disgrasya ng ilang motorista. Paano ito posibleng maiwasan?
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
ENGLISH VERSION
In observance of Fire Prevention Month, firefighters from the National Fire Training Institute demonstrate how to respond to vehicular fires. Experts also share pointers on how to prevent your vehicles from catching fire and the warning signs to watch out for. Another risk motorists face while on the road is the presence of road debris. Road safety experts remind motorists how to exercise road awareness for such potential hazards.



