Safety tips kontra holdap at skidding, alamin sa 'Alisto'
ALISTO!
AIRING DATE: MARCH 26, 2019
Ilang public utility vehicle drivers, naging target ng kawatan! Para sa mga operator ng bus at taxi, ipinapayo ng eksperto ang pag-upgrade ng safety at security measures sa inyong mga sasakyan. Makatutulong ang pagbili ng rear view mirror camera bilang security device. Magsisilbi itong mata sa loob ng inyong sasakyan laban sa mga kawatan.
Ilang digrasya naman kung saan nawalan ng kontrol ang mga driver sa kanilang minamanehong sasakyan, ano nga ba ang dahilan? Para sa mga drayber na mahilig painitin muna ang makina ng sasakyan bago magmaneho, siguraduhin na naka-lock ang inyong hand brake. Huwag ding tatanggalin ang kalso sa gulong para masiguradong hindi umikot ang gulong na maaaring magdulot ng disgrasya. Alamin ang mga dapat tandaan para hindi mawalan ng kontrol sa inyong sasakyan.
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
_2019_03_22_20_59_05_0.jpg)


_2019_03_22_20_59_05_3.jpg)
ENGLISH VERSION
Experts advise bus and taxi operators to upgrade their safety and security measures by installing rear view mirror cameras. They do not only help the drivers gauge distance of cars approaching from behind but also check on passengers in the rear and monitor suspicious activities. Another segment discusses preventive measures on how prevent skidding.