ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Alisto

Mga sanhi ng motorcycle accidents at ilang kaso ng pamamaril, tutukan sa Alisto!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

ALISTO!
AIRING DATE: MAY 28, 2019

Ang maling pag-overtake at lane splitting ay ilan lamang sa madalas na sanhi ng disgrasya ng mga rider ng motorsiklo. Delikado ang lane splitting at labag din ito sa batas trapiko. Anu-ano ang mga paraan para iwas-gitgitan at disgrasya sa kalsada?

Tinutukan din ang krimen ng pamamaril. Maaaring mailigtas ang mga biktima ng pamamaril kung may saksi na tutulong at may sapat itong kaalaman sa first aid. Ayon sa mga medical professional, ang labis na pagdurugo ang madalas na dahilan ng pagkamatay ng mga biktima ng pamamaril. Kapag ang tama ng bala ay sa tiyan at dibdib, huwag itataas ang mga binti. Pwede kasi itong maging sanhi ng labis na pagdurugo. Alamin ang iba pang tips para mailigtas ang isang gunshot victim.

Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

ENGLISH VERSION

The episode discusses the dangers of reckless overtaking and lane splitting committed by motorcycle riders. Motorcycle riders’ safety advocates share ways on how to overtake safely. On the one hand, lane splitting is considered a traffic violation. Meanwhile, bystanders and witnesses can help save gunshot victims if equipped with first aid knowledge. Civilians should learn to control bleeding since victims of gunshot most often die from blood loss, according to medical professionals.