ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Magsasaka na naging mayor, kilalanin!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
JUNE 17, 2019

 

David versus Goliath – ganito raw mailalarawan ang naging tunggalian ng magsasakang si Joseph Simon Valdez at ng incumbent Mayor na si Dr. Ferdinand Hernaez sa Sta. Lucia, Ilocos Sur. Dalawampu’t apat na taong namuno sa lugar na ito ang angkan ng mga Hernaez, pero nitong Eleksyon 2019, natuldukan ito ni Valdez.

Nang tanungin ni Mareng Winnie si Mayor-elect Valdez kung bakit siya naglakas loob na kalabanin ang political dynasty ng kanilang lugar, ani Valdez, "Gusto ko ng ibang diskarte naman."

 

 

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Sta. Lucia. Ang karamihan, nakikisaka lang sa lupa na pag-aari ng iba. Ang mas masaklap, pati ang ayudang pangako ng lokal na pamahalaan, sa limang taon, isang beses lang umano naibigay. Kaya ngayong isang magsasaka na rin ang maluluklok bilang Mayor, umaasa silang matutugunan ni Valdez ang kanilang mga hinaing.

Bagamat maganda ang mga adhikain ni Valdez, nahaharap din siya sa ilang mga problema. Una, ang nanalong Vice-Mayor na si Douglas Hernaez, ay kapatid ng dating Mayor na si Ferdinand. Pangalawa, iisa lang sa nanalong Sanggunian representative ang kaalyado ni Valdez. At pangatlo, bagama’t halos dalawang linggo na lang ay uupo na siya sa puwesto, wala pa ring nagaganap na “transition” sa pagitan ng luma at bagong administrasyon. Paano kaya mamumuno si Valdez?

Maganda ang hangarin ngunit may sapat ba siyang kakayanan? Panoorin ang panayam ni Mareng Winnie kay Sta. Lucia, Ilocos Sur Mayor-elect Joseph Simon Valdez sa Bawal ang Pasaway, mamaya na 10:15 pm sa GMA News TV.

-----

A farmer ended the 24-year political dynasty in Sta. Lucia, Ilocos Sur. The victory of Joseph Simon Valdez over the Hernaez clan was dubbed as a David versus Goliath win. Historic as it may be, questions loom if he has the capability to lead Sta. Lucia, and if he can create any lasting change despite having an opposition Vice Mayor and Sanggunian. Can this "David" remain victorious until the end of his term? Find out tonight on Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.