ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga modus sa palengke, paano maiiwasan?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

ALISTO!
AIRING DATE: NOVEMBER 12, 2019

Mga digrasyang kinasangkutan ng mga bus, human error o mechanical failure? Para maiwasan ang aksidente, alamin sa eksperto ang mga safety feature na makikita sa bus para maging ligtas ang mga sakay at driver nito.

Samantala, ilang modus sa mga palengke ang nakuhanan ng video. Binisita ng isang security consultant ang ilang tindahan sa palengke para ituro ang ilang tips para hindi masalisihan ng mga kawatan. Payo ng eksperto sa mga tindero at tindera, ilagay sa bungad ang mga panindang mababa ang halaga samantalang ilagay sa loobang bahagi ng tindahan ang mahal na produkto. Sinusuri din daw kasi ng mga kawatan ang pagkakaayos ng mga paninda para mamili ng kanilang biktima. Iba pang alisto tips, alamin!

Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
ENGLISH VERSION
The episode looks into the causes of fatal bus crashes. Injuries stemming from bus crashes include whiplash, back and spinal cord injuries, head trauma, and broken bones. Experts share several countermeasures to reduce bus passenger injury. Meanwhile, a security consultant randomly surveys stalls in wet markets. Experts discuss ways on how sellers can safeguard their goods from theft.