Barangay tanod, paano nga ba rumeresponde sa peligro?
DOORING AT TANOD ON THE GO NGAYONG MARTES SA ALISTO, SEPTEMBER 22, SA GMA NEWS TV!
Dooring ang tawag sa mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga siklista at rider ng motorsiklo dahil sa biglaang pagbukas ng pinto ng mga sasakyang nakahinto. Alamin mula sa mga eksperto ang tamang pagbubukas ng pinto o ang tinatawag na Dutch reach maneuver para maiwasan ang ganitong uri ng disgrasya.
Samantala, tunghayan ang maaksyong pagresponde ng mga tanod ng barangay. Tungkulin ng barangay police officers o mga tanod ang mapanatili ang kaligtasan at seguridad sa kanilang nasasakupan. Paano nga ba nila hinaharap ang peligro sa bawat responde?
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, 10:30 PM sa GMA News TV kasama si Igan Arnold Clavio.
Huwag maging biktima, maging Alisto!
ENGLISH VERSION
Dooring is a traffic accident that usually involves the driver or driver's side passenger opening a vehicle door in front of a bicyclist or motorcyclist. Experts advise a safety technique on how to open a car door safely called the Dutch reach maneuver. Meanwhile, barangay police officers are at the forefront in maintaining peace and order and public safety of the community. Know the hazards and risks they face while they are on duty.