ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Drunk driving, paano maiiwasan?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

 

ALISTO!

AIRING DATE: DECEMBER 1, 2020

Sa mga gustong samantalahin ang muling pagbubukas ng ilang paslayan at sa mga nagpaplano na umuwi sa probinsiya para magbakasyon ngayong Pasko, siguraduhin na walang pagkakataon ang mga kawatan para mapagnakawan ang inyong iiwanang bahay. Ang kanilang istilo, ibibisto ng mga eksperto.

Mahilig ka bang mag-online shopping? Alamin ang mga paraan para maiwasan na mapag-aralan ng mga kawatan ang inyong bahay at makuha ang inyong personal na impormasyon tuwing may delivery na darating sa inyong bahay.

Ipaliliwanag din ng security consultant ang kahalagahan ng pagpili ng tamang disenyo ng gate para masiguro na hindi ito magbibigay-daan sa mga magnanakaw para pasukin ang inyong bahay.

Samantala, base sa datos ng PNP Highway Patrol Group, bumaba ang bilang ng kaso ng road crash dahil sa drunk driving mula Marso hanggang Mayo dahil sa ipinatupad na liquor ban sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine. Pero muli itong tumaas noong Hunyo matapos alisin ang liquor ban. Ayon sa eksperto, posible pa itong tumaas ngayong Disyembre dahil sa sunud-sunod na selebrasyon. Kaya naman iisa-isahin ng eksperto ang mga paraan kung paano maiiwasan ang mga disgrasyang dulot ng pagmamaneho ng lasing ngayong holiday season.

Alamin kung may katotohanan ba ang paniniwala na mababawasan ang epekto ng alak sa katawan kung iinom ng kape o maliligo ng malamig na tubig

Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto kasama si Igan Arnold Clavio ngayong Martes, 10:30 PM pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho, sa GMA News TV. 

Hindi ka biktima! Maging, Alisto!

ENGLISH VERSION

With some tourist destinations reopening and travel restrictions easing up this holiday season, security consultants remind the viewers on how to prevent burglars from casing your house when you go on a holiday. Meanwhile, based on the data of the Philippine National Police Highway Patrol Group, there was a sharp drop in the number of road crashes due to drunk driving from March to May due to the implementation of liquor ban. This holiday season, cases are expected to rise, according to the police. Experts remind the viewers of the ways to prevent drinking and driving.