'Alisto', may hatid na pag-asa ngayong Pasko!
MGA KWENTO NG PAGBANGON MULA SA TRAHEDYA NGAYONG MARTES SA CHRISTMAS SPECIAL NG ALISTO SA GMA NEWS TV!

Airing Date: DECEMBER 22, 2020
Ngayong Pasko, hatid ng Alisto ay pag-asa!
Ilang Kapuso natin na nakaligtas sa aksidente at isang inang nangungulila sa pagpanaw ng kaniyang anak ang tampok sa Christmas special ng Alisto. Isa na rito sina Gerundio Mallo na nalapnos ang balat matapos sumabog ang tangke ng gas sa pinagtatrabahuhan niyang pabrika. Si Arturo Ocampo naman ay natusok ang paa ng bakal sa isang construction site. Ang volunteer firefighter na si Marlon Cosico ay nagtamo ng second-degree burn nang may sumabog na acetylene tank mula sa nasusunog na bahay na nirespondehan ng kanilang grupo. Sa unang pagkakataon, ipagdiriwang ni Jonalyn Banguito ang Pasko nang nangungulila sa anak na si Rhonjay na nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala.
Tunghayan ang kanilang kuwento ng pagbangon at abangan ang mga surpresang inihanda ng Alisto para sa kanila ngayong Martes, 10:30 PM pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho, sa GMA News TV!
ENGLISH VERSION
The episode tells the inspiring stories of survivors recovering from accident injuries. This Christmas, Alisto surprised them with supplies/goods they can sell to help them earn. Catch Alisto every Tuesday at 10:30 PM on GMA News TV.


