Dahilan sa paghahati ng Palawan sa tatlong probinsya, alamin!

BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
MARTES, JULY 2, 2019, 7:15 PM (NEW TIMESLOT)
Para sa ikabubuti ng mga politiko o para sa ikabubuti ng ekonomiya? Ito ang dalawang panig ng mga Palaweño ukol sa Republic Act 11259 na naglalayon na hatiin sa tatlo ang Palawan, ang last frontier ng Pilipinas. Sa nilagdaan na batas ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril, magiging tatlong probinsiya na ang Palawan - ang Palawan del Norte, Palawan Oriental, at Palawan del Sur.
_2019_06_28_20_35_06_1.jpg)
"It's a policital agenda," ani Atty. Gerthie Anda, executive director ng Environmental Legal Assistance Center at isa sa mga convenor ng Save Palawan Movement. Binibigyang daan lang umano nito ang mga pulitiko na palawakin ang kanilang nasasakupan. Mas mainam daw kung palakasin na lamang ng pamahalaan ang mga munisipyo at barangay para maipahatid ang magandang serbisyo sa mga tao.
"I am after the economic agenda," ang matapang naman na sagot ni Caesar Ventura, dating Provincial budget officer ng Palawan. Makatutulong umano ang pagkakaroon ng bagong mga probinsya para mas madaling maihatid sa mga tao ang serbisyo ng gobyerno. Aniya, mas mararamdaman ng mga tao ang budget ng probinsya dahil hindi lang ito naka-sentro sa Puerto Princesa.
_2019_06_28_20_35_06_2.jpg)
Makabubuti o makasasama ba sa Palawan ang paghahati nito sa tatlo? Alamin natin ang dalawang panig at ang kabuuan ng panayam ni Mareng Winnie sa bagong oras ng Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, simula July 2, Martes, 7:15pm sa GMA NewsTV.
----
Palawan, the last frontier of the Philippines is set to be split into three: Palawan del Norte, Palawan Oriental and Palawan del Sur through Republic Act No. 11259. This was signed by President Rodrigo Duterte last April. Palawenos are divided on this issue. Atty. Gerthie Anda, executive director of the Environmental Legal Assistance Center and one of the convenor of the Save Palawan Movement, says, "It's a political agenda." On the other hand, Caesar Ventura, former Provincial budget officer of Palawan insists that, "It is an economic agenda." Will splitting Palawan be beneficial or detrimental to the Palawenos and to the Philippines? Find out this Monday on Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.