Tugon ng PNP chief ukol sa isyu sa War on Drugs, alamin!
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
MARTES, JULY 16, 2019, 7:15 PM ON GMA NEWS TV
Ngayong Martes, 7:15 ng gabi sa bagong timeslot ng Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, sasagutin ni PNP Chief Oscar Albayalde ang patuloy na puna sa kapulisan ukol sa laban kontra droga. "Cut and paste" nga lang ba ang mga report nila?


Ayon kay Albayalde, ang lahat ng police operation daw ay dumadaan sa masusing imbestigasyon. Malaki na raw ang pagbabago sa drug war at masasabing matagumpay ito. "The best proof is the improvement of peace and order,” pagmamalaki ni Albayalde.
Pinagtutuunan daw nila ng pansin ang "internal cleansing" sa kanilang hanay. Ganunpaman, kabi-kabila pa rin ang reklamo ukol sa mga pulis. Isa na rito ay ang hindi pagbibigay ng sustento ng ilang mga pulis sa kanilang mga asawa at anak sa kabila ng pagtaas ng kanilang suweldo.
Ang depensa ni PNP Chief Oscar Albayalde sa matatalim na tanong ni Mareng Winnie, abangan sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.
-------
Cut and Paste. Scripted reports. These are the current allegations against the Philippine National Police on their war against drugs. PNP Chief Oscar Albayalde says he will not allow anyone to get away with murder. "We are not tolerating," he adds. In his term, they are focusing on the internal cleansing of the force. According to Albayalde, police operations go through thorough investigations. He concludes that the drug war has greatly improved. "The best proof is the improvement of peace and order," say the PNP Chief. Hold on to your seat this Tuesday, as Mareng Winnie fires tough questions against PNP Chief Oscar Albayalde, 7:15pm at GMA News TV.