China, kaaway o kaibigan?
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
SEPTEMBER 17, 2019, 7:15 pm
GMA NEWS TV
Tuloy na tuloy na raw ang joint oil exploration ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea. Ayon kay Pangulong Duterte, isasantabi raw muna niya ang naging hatol ng UNCLOS kung saan pinaboran ang Pilipinas sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Sa joint exploration, 60-40 raw ang magiging hatian ng Pilipinas at Tsina sa anumang kita. Ganunpaman, hindi pa rin gagalangin ng China ang Hague ruling ukol sa West Philippines Sea. Makabubuti nga ba sa ating bansa ang kasunduang ito? Bukod sa joint exploration, balikan din natin ang iba pang kasunduan ng Pilipinas sa China tulad ng mga pautang para pondohan ang iba’t ibang proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program ng pamahalaan.
Bago pa man ang joint exploration deal, inusisa na ng Bawal ang Pasaway ang mga China loans. Ayon kay Mareng Winnie, may 0.3% na management fee ang kasunduan sa China. Wala nito sa ibang utang na pinapasok ng Department of Finance. Mataas din ang interes sa utang. Umaabot ito ng 2%, samantalang .08% lang sa Japan at .14% sa Korea. Lulubog nga ba sa utang ang PIlipinas at magiging under di saya na ng China?
Ayon kay Department of Finance Asec. Tony Lambino, hindi raw maaaring ikumpara ang interest rates kung hindi iko-convert ang kabuuang utang sa iisang currency. Nanindigan ang DOF at ang pamahaalan na kaya nating bayaran ang mga utang. Nilinaw naman ni Atty. Jay Batongbacal, isang maritime expert, hindi maaaring gawing collateral ang mga isla ng Pilipinas.
Sa panayam naman ni Mareng Winnie kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, tinanong niya kung ano ang posibleng kahinatnan ng Pilipinas kapag patuloy itong nagpaubaya sa Tsina. Ayon kay Carpio, hindi naman daw magiging probinsya ng Tsina ang Pilipinas. “I don’t think it will reach that, but we will lose the West Philippine Sea. Once we lose it, we will lose it to China forever.” Sakali raw na mangyari ito, saan daw kukuha ng gas ang Pilipinas kapag naubos na ang gas sa Malampaya sa loob ng anim hanggang walong taon.
Dehado, llamado, o patas lang? Ano nga ba ang tunay na lagay ng Pilipinas sa relasyon nito sa China? Alamin ‘yan ngayong Martes sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 7:15 ng gabi sa GMA News TV.
----
The joint oil exploration deal in the West Philippine Sea between the Philippine and China is a go. They have agreed to a 60-40 deal. China, however, will still not honor The Hague ruling. With this on the table, how can the Duterte administration ensure that China will carry out their part of the deal? Has China even fulfilled their other promises such as various loans? With the piling agreements, will the Philippines go under, put its islands for collateral and cower to China? What's the real deal on the Philippines-China relationship? Find out this Tuesday on Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 7:15pm on GMA News TV.