PCSO, may katiwalian nga ba?
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE: SI GARMA AT ANG PCSO
MARTES, OCTOBER 8, 2019
7:15 PM SA GMA NEWS TV
Ang mahigit P18-B na charity fund para sa mga may sakit na nangangailangan, muntik nang mawala kung nagtuloy tuloy ang pagsuspinde sa STL at lotto operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO kamakailan. Ito ay dahil sa talamak na katiwalian umano sa ahensiya lalo na sa Small Town Lottery Operation o STL. Nagtatago lang umano ang jueteng sa likod ng STL.
Nilinaw ng bagong talagang PCSO General Manager Royina Garma sa panayam kay Mareng Winnie na wala siyang binanggit sa pangulo ukol sa katiwalian. Bagkus ang ipinakita raw niya ay datos na bumaba ang kita ng ahensiya dahil hindi nagbabayad ng tama ang karamihan sa Authorized Agent Corporation o AAC. Ayon kay Garma, ang STL ang may pinakamalaking kita ngayong taon na P12.6-B o 52% ng kita ng PCSO.

_2019_10_08_18_24_55_1.jpg)
Nang tanungin si Garma ni Mareng Winnie ukol sa di umano’y mga ahente na heneral, military o police personnel, ayon kay Garma, wala pa siyang katibayan na magpapatunay nito. Sa ngayon, sumasailalim daw sa imbestigasyon ang mga empleyado at board of directors ng PCSO para matukoy ang mga sangkot sa katiwalian.
_2019_10_08_18_24_55_2.jpg)
Alamin ang iba pang isyu ng katiwalian sa loob ng PCSO at magagamot nga ba ito ni General Manager Royina Garma mamayang 7:15 ng gabi sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa GMA News TV.
ENGLISH PR
The P18-B Philippine Charity Sweepstakes charity fund for the sick and in need almost went down the drain when PCSO’s lotto and STL operations were suspended recently due to the allegation of corruption in the agency. Allegedly, the illegal numbers game, jueteng, still hides behind the legalized small town lottery or STL. More than half of PCSO's revenues come from STL which amounts to P12.6-B per year. The new PCSO General Manager Royina Garma and the board of directors are currently under investigation. Garma is playing no games when it comes to getting down to business on cleaning up the agency and improving revenues. Get to know her and her plans for the Philippine Charity Sweepstakes Office tonight, 7:15pm at Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.