ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tikman ang sarap ng Paskong Kapampangan sa 'Biyahe Ni Drew!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Biyernes sa Biyahe ni Drew, bisitahin ang lalawigang buhay na buhay tuwing Kapaskuhan! Samahan si Drew Arellano sa Culinary Capital of the Philippines, ang Pampanga!

Siyempre kapag sinabing “Pasko” at “Pampanga” lilitaw agad ang “parol” sa usapan.  Halos nakaukit na raw sa kasaysayan ng lalawigan ang palamuting ito na minahal na hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa! Kaya’t aalamin ni Drew ang tungkol sa Lubenas, ang parada ng mga parol sa bayan ng Angeles. Makikita rin niya ang metikulosong paggawa ng mga parol at matututunan ang kahulugan ng iba’t ibang simbulong ginagamit dito.


Sa San Fernando, ang business side naman ng parol-making ang sisilipin ni Drew kung saan makikilala niya ang mga manlilikhang nagpasikat ng giant lantern sa buong mundo.


For Christmas good eats, titikman ni Drew ang mga putahe sa Café Noelle, pati na ang tradisyunal na lutong Kapampangan ng food historian na si Atching Lillian Borromeo. Pero ang highlight ng culinary tour niya ay ang pagpasok sa factory ng hamon kung saan sinasabing dalawang tonelada ang ginagawa kada araw! And for a bit of history, rekomendado ni Drew ang pagsakay sa Vespa para sa isang historical city tour courtesy of the local tourism office of Angeles.


And when it comes to spreading the Christmas spirit, aba, hindi rin magpapahuli ang mga Kapampangan diyan. Sa Bale Balayan, isang museo para sa mga mahihirap at training center na rin para sa mga kapuspalad na kabataan, mapapakinggan ni Drew ang pagtugtog ng mga bata gamitang bamboo at ethnic instruments.

Mamasko na sa Pampanga sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!