ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Capiz Foodventure with 'Biyahe ni Drew'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BIYAHE NI DREW: Capiz Foodventure!
Friday, June 11, 2021
5:45 PM GTV


Ihanda na ang mga plato at kubyertos dahil tiyak mabubusog kayo sa handa ng Biyahe ni Drew ngayong Biyernes. Ang destinasyon, ang tinaguriang Seafood Capital of the Philippines, Capiz!

 



Uumpisahin ni Drew sa Libas Fish Port na sentro ng wholesale selling ng isda at lahat na yata ng klase ng seafood. At para naman sa mga hindi masyadong marami ang bibilhin, ipakikilala ni Drew ang isang fish farm kung saan puwedeng mamili at magpaluto ng lapu-lapu. Matututo rin siyang magluto ng sinigang na lapu-lapu gamit ang katmon bilang pampaasim.

 

 



Sa Palina Greenbelt Ecopark, seafood galore din ang naghihintay sa mga biyahero. Puwedeng manghuli ng isda gamit ang surambaw. Pero kung wala ka nang lakas manghuli, umorder na lang mula sa kanilang seafood menu na tampok ang hipon, talaba, at sasing o sand worm! Mayroon pang mga kakaibang seafood gaya ng puyoy na mukhang malaking isaw at diwal na mukha namang malaking tahong!

Siyempre, nariyan din ang magagandang produkto na gawa mula sa capiz shells. May mga DIY handicraft pa na puwedeng gawin habang nasa bahay lamang.



Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 5:45PM sa GTV!                                            

-----

Biyahe ni Drew goes on a seafood eating spree in Capiz where one can simply buy seafoods at a fish market, catch some at a fish farm, and order from the menu in an ecopark river cruise.