Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahe ni Drew kicks off it's new timeslot in Tarlac!


BIYAHE NI DREW: World Class Lakwatsa sa Tarlac

Sunday, October 17, 2021
8:30 PM GTV

Bagong timeslot, bagong biyahe! Matapos ang kaniyang matagal na biyahe-at-home, handa nang magliwaliw ulit si Drew Arellano--following health and safety protocols, of course!

 


Sama-sama nating bisitahin ang San Jose, Tarlac, isang bayan na madalas lang daanan ng mga biyahero pero world class pala!

Sa Barangay David, matitikman ni Drew ang linamnam ng Italian cuisine sa gitna ng palayan. Meron ding hot kawa bath, massage area, at pati photo studio! Akalain n’yo yun?

 


 


Puwede ring makarating ng Switzerland at New Zealand sa iba’t ibang puntahan na ang mga tanawin ay nakamamangha talaga. Mayroon ding matatagpuang tinatawag nilang Little Baguio na picture perfect nga naman!

 

 

 
Sa Sitio Pugo, meron namang al fresco dining sa isang Bali-inspired cafe. Kung maliit lang ang budget mo pero may big appetite ka, rekomendado ni Drew ang isang resto na may unli lugaw sa halagang 50 pesos lang!
 

 

Dadayuhin din ni Drew ang Tarlac Recreational Park na hindi lang pasok para sa mga adventure junkies kung hindi pati na rin para sa mga naghahanap ng tamang chill.

 


 


Siguraduhing sumama sa Biyahe ni Drew now on it's new timeslot tuwing Linggo, 8:30 PM sa GTV.

-----

Biyahe ni Drew kicks off its new timeslot in San Jose, Tarlac where he eats Italian cuisine in the middle of a rice field, enjoys eat-all-you-can lugaw, and goes on a much-needed adventure ride in a new recreational park.