Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahero Drew discovers the hidden gems of Binangonan, Rizal!


BIYAHE NI DREW: MAIBA NAMAN SA BINANGONAN!
Sunday, April 3, 2022
8:30 PM GTV

      
Hindi na kailangang lumayo pa para sa isang exciting na biyahe. Dadalhin tayo ni Biyahero Drew sa Binangonan, Rizal!

Maniniwala ba kayo na may isla at bundok sa Binangonan? Sa Talim Island matatagpuan ang Mount Tagapo kung saan isang napakagandang view ang matatanaw mula sa summit nito.

 


Puwede ring hindi sumakay ng bangka para sa isang breathtaking view. Dahil sa Coffee Rush, mayroon pang masasarap na pagkain habang sinusulit n’yo ang inyong sunset session.



Kung nais niyong matulog dito, hindi nagkukulang sa matutuluyan ang Binangonan. Kagaya lang ng isang glamping resort na Korean ang tema!

 

Nariyan din ang camper van kung saan kasya ang buong pamilya. May swimming pool pa!

 


Titikman din ni Biyahero Drew ang kakaibang black kutsinta!

 


At mayroon palang paragliding sa Binangonan? Ang mas mahalagang tanong – makakalipad ba si Biyahero Drew o hindi?

 


Abangan sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!