Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahero Drew discovers Agusan del Norte!


BIYAHE NI DREW: NO ARTE, NO KEME SA AGUSAN DEL NORTE
Sunday, June 26, 2022
8:30 PM GTV

Kasama ang ating local tour guide na si Mikay, tutuklasin ni Biyahero Drew ang iba’t ibang hamon na hatid ng Agusan del Norte.

Ano kaya ang sikretong pampaasim ng Agusan del Norte para sa kanilang kinilaw? Huhulaan ni Biyahero Drew iyan!

 

 


Susubukan namang laruin nina Biyahero Drew kasama ang Biyahe ni Drew team ang mga tradisyunal na laro ng probinsiya. Alam n’yo ba kung ano ang tumbalalay, buwan-buwan at sentro?

 


Samantala, ang abatod na specialty ng Agusan del Norte, kakayanin bang kainin ni Mikay?

 


At, ang pinakamahabang zipline sa buong Asya, nasa Agusan del Norte pala!

 


Abangan ang mga iyan at marami pang iba sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!