Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahe ni Drew flies to Bohol!


BIYAHE NI DREW: SANA ALL SA BOHOL!
Sunday, September 18, 2022
8:30 PM GTV


Lilipad na kami! Sa unang pagkakataon ngayong pandemiya, sasakay na uli ng eroplano sina Biyahero Drew at ang Biyahe ni Drew team! At ang destinasyon? Bohol!



Magbibisikleta sa ere habang tanaw ang Chocolate Hills si Biyahero Drew. Susubukan din niyang mag-surfing sa ere!

 

 


 


Maaari ring makapag-ikot sa buong mundo sa Mirror of the World kung saan matatagpuan ang mga replica ng iba’t ibang kilalang landmark.

 


Makakasama rin natin ang TikTokerist ng Bohol na si Cynthia Alambatin. Ibabahagi niya ang simple pero rock na merienda nilang pinaypay.

 


Ipinagmamalaki rin ng mga Boholano ang kanilang tinapay! Hindi ito ang tinapay na alam natin kung hindi malutong at lasang chicharon!

 


At, mararanasan uli ni Biyahero Drew ang isa sa paborito niyang gawin sa tuwing bumibiyahe. Iyan ang mag-freediving! Bonus pa ang libo-libong sardinas!

 

 


Abangan iyan at marami pang iba sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!