Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahero Drew returns to Benguet!


BIYAHE NI DREW: BACK TO BASICS SA BENGUET
Sunday, March 5, 2023
8:15 PM GTV

Isang makabuluhang biyahe ang nag-aantay sa atin sa Benguet!




Puwedeng mag-bonding habang background ang malaking teapot at mga tasa na makikita sa Polig’s Farm. Para sa mga papasyal dito puwede rin mag-berry picking katulad ng raspberry.


Sa Winaca Eco-Cultural Village, makikilala ni Biyahero Drew ang mga maghahabi na piniling ituloy ang kanilang tradisyon.

Makikilala rin natin sina Rhino at Shimri. Mga millennial farmer na ginustong manirahan sa Benguet.


Agri-tourism naman ang binibida sa Haight’s Place. Iba’t ibang gulay ang puwedeng mabili rito habang namamasyal.


Samantala, walang sinasayang ang mga taga-Benguet lalo na sa pagkain. Isang halimbawa ang dila pingping na ginagamit ang dila at pisngi ng baboy!


Abangan ang mga iyan at marami pang iba sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:15 PM sa GTV!