ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Survival of the Fittest" and "Stories of Nature and the Past"
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on June 25, 2008 Wednesday night, after Saksi Snakes are known for their venomous bite, and scorpions for their deadly sting, making them some of the most feared creatures on the face of the planet. But these deadly traits are not built to harm us, but are only some of the defense mechanisms designed to maintain each species. Romi takes a look inside the animal world where the game is "survival of the fittest". He meets a turtle masquerading as a leaf, an animal with a built-in helmet, and creatures that can make anyone go "ouch!" with their spiky features. Meanwhile, Doc Ferds explores sunken World War II ships in Subic - the El Capitan and an American landing vessel. Apart from getting a glimpse of history, Doc Ferds meets the shipwrecks' new residents - friendly fish that have taken refuge in these newly formed artificial reefs. Not all dives are fun, as Doc Ferds discovers. Some can be quite creepy. In Zambales, he explores a lost underwater town. After Mt. Pinatubo erupted in 1991, Barangay Buhawen in Zambales was left completely submerged in water. Homes and the town's livelihood were lost. A chemical leak also caused the waters to become uninhabitable for fish, making the scenario much different from that of the sunken ships in Subic. Catch a little lesson on animal behavior and natural history on Born to be Wild, airing this Wednesday, after Saksi!
Mga ahas na makamandag ang tuklaw at mga alakdan na may nakamamatay na hagupit. ilan lang ang mga ito sa mga hayop na kinatatakutan dahil sa kanilang matinding kakayahan. Pero alam niyo bang ito ay paraan lamang nila para ipagtanggol ang sarili at hindi para tayo ay saktan? Sisilipin ni Romi ang mundo ng mga hayop kung saan "matira matibay" ang kalakaran. Makikilala niya ang isang pagong na "gaya-gaya" at nagpapanggap bilang dahon, isang hayop na sintigas ng bakal ang katawan, at mga nilalang na "araykopo!" ang hatid kapag iyong nadikitan! Karaniwang nakikita ang mga barko sa ibabaw ng dagat pero si Doc Ferds sinisid ang dalawang shipwreck sa ilalim ng katubigan sa Subic - ang El Capitan at ang landing craft utility ng mga Amerikano na ginamit noong World War II. Katulad ng mga ala-alang maglilikot sa isip mo habang tinu-tour ang mga natitirang labi ng barko, malikot na nakipaglaro ang mga isda ritong tila natuwa sa pagbisita ni Doc Ferds. Naging artificial reef na kasi ang mga shipwreck na ito at nagsilbing tirahan ng mga lamang-dagat. Pero sa isa pang pagsisid, isang kakila-kilabot na sunken town ang matatagpuan ni Doc Ferds. Dala ng pagputok ng Mt. Pinatubo noong 1991, lumubog ang bahaging ito ng Bgy. Buhawen, kasama ang kabuhayan ng mga naninirahan dito. Mayroon ding mga kemikal na tumagas sa lawa kaya't di gaya ng mga sunken ship, walang nabuhay na isda sa lugar. Isang kakaibang kwento tungkol sa mga hayop at ang kaugnayan ng kasaysayan sa kalikasan ang mapapanood sa Born to be Wild, ngayong Miyerkules pagkatapos ng Saksi!

Tags: borntobewild
More Videos
Most Popular