ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Bats: The Sequel" and "Something Old, Something New"
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on November 26, 2008 Wednesday night after Saksi It's been nine months since Romi and the Born team came across hunters on their way to a bat sanctuary in San Juan, Batangas. The hunters carried the carcass of a giant fruit bat, already feared to be in danger of extinction. Today, the same hunters say they have stopped the practice of killing bats and serving them as a local delicacy. Residents also claim to notice an increase in bat population. Born to be Wild joins a team of researchers from the University of the Philippines to determine whether indeed, there is hope for the bats. Through telephoto technology, the team is able to document intimate, natural behaviors of the bats in their undisturbed habitat. Unlike the regions of Luzon and Visayas, Mindanao remains fairly unexplored when it comes to wildlife. In Mt. Balatucan, Doc Ferds joins wildlife experts as they search for Mindanao's endemic species. A species never-before-seen by the scientists is found in the area and is documented for the first time on camera! An unexpected creature found mainly in Luzon also makes an appearance. The sightings continue as Doc Ferds comes face to face with the largest tadpole he's ever seen, and meets an "alien" amphibian about to invade the forest? In a mountain with old issues such as illegal logging, Mt. Balatucan proves it still holds new wonders waiting to be discovered. Catch another exciting adventure on Born to be Wild this Wednesday after Saksi!
Siyam na buwan na ang nakararaan mula nang makasalubong nina Romi ang isang grupo ng bat hunters sa San Juan, Batangas. Dala-dala ng grupo noon ang isang patay na paniking pinangangambahang malapit nang maubos ang bilang. Pero ngayon, nakaharap muli nina Romi ang mga hunters na nagsabing hindi na nila ginagambala pa ang mga higanteng paniki. Pati ang mga residente, sinasabing dumarami na muli ang mga paniking kanilang namamataan. Kasama ang isang grupo ng researchers, aalamin ng Born to be Wild kung may pag-asa pang natatanaw ang mga paniki sa lugar. Gamit ang telephoto technology, masisilip na natin nang malapitan ang natural na pag-uugali ng mga naglalakihang paniki. Di gaya ng mga rehiyon ng Luzon at Visayas, ang Mindanao ay naghihintay pang tuklasin pag dating sa wildlife. Sa Mt. Balatucan, sasamahan ni Doc Ferds ang isang grupo ng mga eksperto sa wildlife sa paghahanap ng mga katangi-tanging nilalang ng Mindanao. Isang hindi pa nakikilalang species ang makikita ng mga siyentipiko at makukunan sa camera! Isa ring hindi inaasahang bisita ang haharap sa grupo - isang hayop na karaniwang sa Luzon lang makikita. Tuloy-tuloy lang ang paghahanap habang si Doc Ferds, makakaharap ang isang kakaibang butete, at isang palakang "alien" daw? Sa isang kabundukang humaharap sa mga luma nang problema gaya ng illegal logging, matatagpuan ang mga bagong nilalang. Abangan lahat ng iyan sa Born to be Wild ngayong Miyerkules pagkatapos ng Saksi!

Tags: borntobewild
More Videos
Most Popular