ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Abot Langit' sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Brigada
Tubog sa Ginto at Abot Langit
January 27, 2014
8 PM, GMA News TV-11

 
Tubog sa Ginto



Natiklo kamakailan ang walo diumanong miyembro ng "Acetylene Gang." Ang kanilang modus maghuhukay sa ilalim ng lupa para marating ang mga sanglaan na kanilang pagnanakawan. Pero sa pagsisiyasat ni Oscar Oida natuklasan niyang ang ilan pala sa mga miyembro ng acetylene gang, dating mga minero sa Benguet. Ano ang nagtulak sa kanila para iwan ang minahan para looban ang mga sanglaan?
 
Abot Langit



Mula Enero hanggang Pebrero raw ang pinakaangkop na panahon para umakyat sa Mt. Pulag, ang pinakamataas na bundok sa Luzon at ikatlo sa buong bansa. Sa unang beses na pag-akyat dito ni Rida Reyes namangha siya sa natatanging ganda nito. Pero nabahala rin siya sa mga isyung pumapalibot sa kabundukan lalo na’t posible raw umabot sa naturang bundok ang banta ng pagmimina.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama… sa iisang "Brigada"!