ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Hapag ni Juan: Brigada Food Security Special


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BRIGADA
MARTES, SEPTEMBER 2, 2014
 
Sa isang espesyal na pagtatanghal ng Brigada, tatalakayin ang iba't ibang mga isyu tungkol sa seguridad at kaligtasan ng ating pagkain.
 
Ngayong taon, tila nagkasunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, gulay, at manok dahilan marahil ng paghina ng suplay ng ilan sa mga ito. Idagdag pa riyan ang kawalan ng kakayanan ng marami nating mga kababayan sa pagbili ng wasto at sapat na pagkain sa araw-araw. Binantayan ni JP Soriano ang isyu tungkol sa supply ng ating pagkain.
 
 

 


 
 

Sa istorya naman ni Mav Gonzales tungkol sa food safety, sisiyasatin kung ang mga pangunahing bilihin ay ligtas nga bang kainin. Tulad halimbawa ng ilang ibinibentang manok at baboy sa merkado, tinuturukan pala ng iba't ibang kemikal para lang mas mabilis lumaki at maibenta agad.

 
 

 

 
 
 

Bagamat tunay na nakababahala ang mga kinakaharap nating isyu tungkol sa pagkain, isinusulong naman ng ilang grupo ang iba't ibang alternatibo para matiyak ang sapat at ligtas na suplay natin ng pagkain. Gaya halimbawa ng mga binisitang palaisdaan ni Rida Reyes sa Pangasinan kung saan ang mga bangus doon, napalalaki ng hanggang walong kilo bawat piraso sa pamamagitan ng natural na pamamaraan.


 
 

Tags: brigada, food