Ang huling laban ni Miriam Defensor-Santiago at pagsiyasat sa New Bilibid Prison riot sa 'Brigada'
BUILDING 14
Palaisipan pa rin hanggang ngayon kung ano ang dahilan sa madugong engkwentrong naganap sa Building 14 ng New Bilibid Prison na kinasangkutan ng mga high profile inmate na nakapiit dito. Ang dalawang bersyon ng kwentong lumutang sa isinasagawang imbestigasyon... hindi pa rin lubusang makapagbigay linaw kung ang mga pangyayaring ito ay may kaugnayan nga ba sa isiasagawang imbestigasyon sa kongreso tungkol sa diumano drug trade sa loob mismo ng Bilibid. Sinubukang alamin ni John Consulta kung ano nga ba ang katotohanan sa nangyaring gulo sa Bilibid.
SA LOOB NG PIITAN
Sa dami ng mga nahuhuling suspek ng krimen.. marami sa kanila ang nagsisiksikan sa mga city jail. Dagdag pahirap nga rin daw sa mga inmate ang tagal ng usad ng kani-kanilang mga kaso. Ang ilan pa nga raw sa kanila, mas mahaba pa ang pananatili sa kulungan kaysa sa igagawad sana sa kanilang sintensya sakaling sila’y mahatulang guilty. Siniyasat ni Emil Sumangil ang iba't ibang mga problemang kinakaharap ng ilang mga piitan sa bansa.
HULING LABAN NI MIRIAM
Sa edad na 7, tuluyan nang nilisan ni Senador Miriam Defensor-Santiago ang mundo dahil sa sakit na lung cancer. Ang kanyang mga tagahanga't tagasuporta, muling sinariwa ang naging makulay niyang karera sa paglilingkod sa bayan. Naging hamon din ang kanyang pagpanaw sa mga kasulukuyang pulitiko na matumbasan ang ipinamalas niyang husay at talino sa pagseserbisyo sa gobyerno. Muling sinariwa ni Raffy Tima ang buhay ng tinaguriang Iron Lady of Asia mula sa pagkakakilala sa kanya ng mga taong malalapit sa kanya.